Yung totoo hindi naman naman talaga ang mahulog sa maling tao ang pinaka-kinatatakutan mo, kundi maling desisyon at pagkakataon. Masarap magmahal, walang kasing saya pag dating sa pag ibig. Nagkakasakitan lang naman tayo ng taong mahal natin dahil sa mga ilang rason. Ganun naman diba? May rason ang lahat ng bagay kung bakit nangyayari ang isang pagkakataon.

Tandaan mo, hindi ka  dapat matakot mahulog sa maling tao dahil walang ganun, kung meron man edi dapat sa simula pa lang ay hindi mo na siya kayang mahalin. Walang maling tao, maling desisyon at pagkakataon meron. 

14 notes / Permalink

Sana isang araw…

Sana magising ako isang araw nasa ibang lugar na ako, yung tipong wala na akong kakilala, yung wala na akong maalala.

Sana magising ako isang araw mareset lahat mula sa simula, yung wala akong tinatagong nararamdaman, yung wala akong pangyayaring iniiwasan.

Sana magising ako isang araw nakalimutan ko na lahat, yung wala na akong nararamdaman na sama ng loob, yung haharapin ko ang bagong umaga ng buo.

Sana magising ako isang araw na nakalimutan na ako ng mga tao, yung wala na silang paki alam sakin, yung hindi ko na din sila kailangan isipin.

Sana magising ako isang araw na hindi ko na pagsisihan ang pagising ko, yung hindi ko na sasabihin sa sarili ko na “Hai eto na naman tayo…”, yung hindi ako mahihilo sa paulit ulit na ikot ng mundo.

Sana…

12 notes / Permalink

Yung taong…

Hindi magsasawa at mapapagod na mahalin ka. Yung taong hindi ka iiwan kahit magkasabay sabay ang problema niya sa problema mo dahil alam niyang pag subok lang yun  na dapat lagpasan at may mas mabigat pang dadating. Yung taong hindi ka ikahihiya sa mga kaibigan niya kahit ano ka man at sino ka man. Yung taong  tatanggapin ka hindi dahil nakita niya ang positive side mo kundi pati na din yung negative sides mo, yung mga tantrums mo, yung mga angal mo, yung mga arte mo, yung ayaw mo. Yung taong tanggap ka ng buo hindi ang ilang parte lang ng pagkatao mo. Yung taong tanggap ang past mo at handang harapin ang future mo kasama siya. Yung taong habang nasa relasyon kayo ay hindi niya maiisip na maghihiwalay kayo dahil hindi niya maisip ang buhay kapag wala ka. Yung taong papanindigan ang mga sinabi niya sayo noong nag sisimula pa lang kayo. Yung taong sa kabila ng sakit ay maiisip pa din ang masasayang nangyari sa inyo. Yung taong kayang sa kalagitnaan ng kaguluhan ay kaya pa din isa isahin ang mga bagay na nagawa mo sakanyang mabuti. Yung taong kayang tiisin lahat kahit na tila magugunaw na ang mundo ninyo. Yung taong hindi urong sulong na kapag smooth ang pagsasama tuloy tuloy lang pero kapag nagiging mahirap na ay bigla na lang uurong. Yung taong kayang mag patawad at tumanggap ng kamalian. 

Yung taong yun… nasan? Meron ba nun?

29 notes / Permalink

Problema sa inyong mga kabataan kayo mas malaking binibigay ninyong atensyon sa problema ninyo sa pag ibig, sa Tumblr, sa kung paano kayo magkakaroon ng BB, iPhone4s, DSLR o sa kung ano pang walang kabuluhang bagay. Shit! Bakit hindi niyo harapin ang katotohanan, hindi niyo silipin mga nakasulat sa notebook ninyo kung nasusulat man kayo sa klase, o bakit hindi ninyo basahin mga libro ninyo ng may silbi naman ang buhay niyo. Madaming gustong mag aaral ngunit iilan lang ang nabibigyan ng pag-kakataon. Maswerte kayo pag aaral na lang gagawin ninyo, nakalatag na lahat. Hindi ko alam kung tanga lang talaga kayo o kailangan pa dumating sa punto na kailangan ninyo sisihin ang sarili ninyo sa kabobohang nagawa ninyo kaya pumapalya kayo sa mga bagay na mas importante, sa mas concrete. Dito sa Tumblr maging sikat ka man, maging magaling ka mag salita, madami kang maapektuhan oo pero ano makukuha mo? Kasikatan? Pagkakakilanlan? Maiyayabang mo ba yan sa magulang mo pag dating ng araw? Masasabi mo ba yan sa kumpanyang papasukan mo pag dating ng panahon? 

Mag isip nga kayo. Inanyo!

50 notes / Permalink

Isang araw dadating sa punto na mapapagod, magsasawa at malulungkot ka dahil sa paulit ulit na nangyayari sa inyo. Maiisip mo ang mga bagay na nagkakasakitan kayo at magdedesisyon kang tapusin na lang ang lahat kasi pakiramdam mo natakbo na lang kayo sa isang bilog. Maging ganun man wag kang bibitiw, isipin mo yung mga panahon na masaya kayo at mga dahilan kung bakit mo napagdesisyunan maging parte ng buhay mo, baka sakaling mag iba takbo ng isip mo.

31 notes / Permalink

Wag ka magalit kung walang appreciation post sayo. Sus. Mga tao talaga sa Tumblr hindi na nawalan ng insecurities sa katawan. Pasko na at mag babagong taon na, maghanda nga kayo ng graham o fruit salad ng tumamis naman buhay ninyo.

24 notes / Permalink