My table at the office.

My bed.

See how I want my things to be so close at me and organize. LOL
73 notes / Permalink
Midnight.
I love everything during midnight. Wala lang, nararamdaman ko lalo yung tinatawag na “Me time” nakakapagisip ako ng mabuti, nakakapag reflect ako sa sarili ko at madami akong nalalaman sa sarili ko. Hindi ko alam, midnight, parang hindi gumagalaw ang mundo, parang kahit anong gusto ko ay kaya ko gawin at makuha kahit sa pamamagitan ng isip lang. Pakiramdam ko walang nakatingin sakin na kahit anong gawin ko ay walang sisita o magbabawal. Sasabihin ko lahat ng gusto ko sabihin, isisigaw ko lahat ng nais ko.
Sa kalagitnaan ng malamig na dilim hindi lang naman mga kaya kong gawin ang naiisip ko maging kapalpakan ko at kahinaan ko ay sumasagi din. Minsan humihingi ako ng patawad sa lahat ng kapalpakan ko, para sa mga hindi ko kayang gawin at dahil hindi ako naging isang tao tulang ng inaasahan ko. Lately napapanghinaan na ako sa sarili ko, hindi ko alam, natatakot na ako na siguro isang araw hindi ko na magampanan lahat ng sinabi ko, na baka isang araw maisip ko na tao lang din pala ako na napapagod at sa kabila ng lahat ng iyon ay wala na akong ibang maisip na paraan para malagpasan ito kundi takasan. Ang umalis kung nasaan ako ngayon.
Midnight, ewan ko… bakit sobrang hiwaga mo?
28 notes / Permalink
Te Quiero. I care for you, I love you.
Andito na naman ako, sa sitwasyon kung saan hindi ko matago yung nararamdaman ko. Andito na naman ako, sa sitwasyon kung saan hindi ko mapigilan sabihin ang mga gusto kong sabihin. Andito na naman ako, sa sitwasyon kung saan hindi ko pagsisihan lahat ng gagawin at desisyon ko. Andito na naman ako, sa sitwasyon na nagmamahal ako.
Oo ginusto ko ito noon pero pinilit ko isiksik sa sarili ko na wag na lang, na hindi na lang. Pero isang araw dumating sa buhay natin na nagbago ang lahat ng hindi natin maintindihan, yung tipong kung hindi rin lang naman ikaw ay hindi na lang. Kala ko nga panaginip yung mga nangyari noong nakaraang araw, ilang beses ko pa tinanong sayo kung totoo ba lahat ng ito, kung bukas ba parehas pa din tayo ng nararamdaman, kung bukas ako pa din ba talaga yung hinahanap hanap mo. Sinabi ko naman diba? Gusto ko lang ng assurance to lessen yung pag aassume, pero sa mga pinapakita mo, ngayon sigurado na ako. Pinatunayan mo sakin na all good things come to those who wait, salamat. I really never thought that someone like you could love someone like me. Te quiero.
This will be my forever highlight of my life. This. Tears just fall into my eyes everytime I read this. Happiest moment indeed of 2011. :’)
Reblogged from hoaxbywill with 41 notes / Permalink
Yesterday my Manager caught me off guard.
I still wonder what’s inside. Hindi ko pa na open.
Still waiting sa mga dadating na gifts for this Christmas at sa nagdaang birthday ko.
Mga kaibigan, nasan na? Lalo na kayo Blair, Rain, Maica? LOL
18 notes / Permalink
Midshift Madness.
Kagigising ko lang at inaantok pa din ako pero ok naman na din yung tulog ko na 7hrs kumpara sa tuwing morning shift ako na almost 5 or 6hrs lang ang nagagawa kong tulog dahil sa maaga akong nakakauwi at mas pinipili kong maginternet till 2am. Kahapon ang first day ng midshift ko - ok naman. Walang hassle sa lahat. Hindi ako nakikipag sabayan sa traffic sa EDSA dahil sa 1PM ako papasok, walang siksikan sa elevator papaakyat dahil nasa sariling cubicle na ang ilan, hindi ako makikipag sabayan sa lunch time dahil nakakain na ako bago pa kumain ang mga tao sa office, hindi din mahirap mag dinner dahil around 8PM ako kakain which is uwiaan pa lang ng iba. After ng core hour which is 8PM ay ang tahimik na sa office, unti unti ng nauubos ang mga tao at ang saya lang. Hindi sa naeenjoy ko ang unting tao kung hindi nakakapag isip kasi ako mabuti kapag walang masyadong nagalaw at naririnig na kung ano sa paligid ko.
12 midnight nag out ako, naglakad papuntang sakayan ng bus. Ang tahimik talaga, tanging busina lang ng mga sasakyan, mga iilang yapak at ihip ng malamig na hangin na may unting pag ulan ang naririnig ko. Natulala lang ako habang naghihintay ng bus, nagiisip ng kung ano. Medyo matagal din ako naghintay ng bus dahil ayaw ko naman sumakay sa ordinary na bus dahil tulad ng gabi masyadong mapanganib kapag hindi ka nag ingat… talo ka.
37 notes / Permalink
COMPULSIVE CRAVING
So me and my roommate just got home from Red Ribbon. Out of the blue we decided to go out without ligo ligo and buy some dessert. LOL. Another way to reward our self for being so hard working. Yesssss~
P.S
Nagtatalo ang dalawang roommates ko kung kanino mapupunta yung gilid. Pft. Mapagbigay ako kaya ayaw ko na sumali sa agawan.
39 notes / Permalink