
ART TRADE • HOAXBYWILL
For my new banner! Thanks Anton.
HAPPY BIRTHDAY BLAIR aka AMAZINGBLAIR
Oh akala mo nakalimutan ko? Siyempre hindi pwedeng matapos tong araw na ito na hindi ako maglalaan ng isang post para sa iyo dahil ikaw ang bitch, I mean BEST BITCH in town kaya kahit halos mahigop na ng ilong ko ang mga keyboard ng laptop ko kakasinghot ay gagawin ko.
Ayaw ko talaga sa taong sobrang maingay, kaya naman noong una ko siyang nakita sa White Day meet up eh nagpapanting tenga ko kaya medyo naiwas na lang ako kasi as in sobrang ingay niya, walang patid, walang patawad, bawat kilos akala mo nagbabato ka ng kawali. Sumunod na nagkita kami sa birthday ni Rhadson at as usual ang ingay pa din niya, hindi pa kami naguusap noon. LOL. Pero napapansin ko siya kasi nga lagi siyang agaw eksena. Doon natanggap ko yung ingay niya kasi birthday party naman yun kaya ok lang kasi dapat masaya. Actually hindi ko din talaga alam kung paano kami naging close nitong hinayupak na ito, basta ang tanda ko lang pinakilala sakin nila Maica tapos sa E.K Meet up at parehas kaming taga Cavite kaya nagkasundo kami. Ay mali naalala ko pala noong nag Starbucks kami sa Dasma at nasabihan ko kaagad siya ng “Diba taga NCST ka?!” LMAO and the rest was history.
Sabi nga nila na kung sino daw yung madalas na masaya eh sila itong tunay na may mabigat na dinadalang kalungkutan sa buhay. Hmm. Naisip ko, oo medyo applicable nga yun sa kanya pero sa nakikita ko ay iba siya at hindi siya kabilang sa sabi sabi na yun. Kasi kahit na malungkot siya alam niya i-relay lalong lalo na pag dating sa usapang puso. Alam ko kasi parati naman siya nahingi ng advice, laging ako ang unang takbuhan at nakakasigurado naman siya sakin na sa kahit anong oras pwedeng pwede niya ako takbuhan, hinding hindi ako mawawala sa tabi niya dahil importante siya sakin. Hindi ko naman inakalang sobrang magkakasundo kami pero sa tuwing magkasama kami nila Maica, Rain eh iba talaga ang sayang dulot niya. Basta ang alam ko ngayon sa kabila ng pinapakita niyang kasiyahan na nakikita ng Tumblrverse eh parati akong nakatingin sakanya para sa tuwing down siya eh hindi siya tuluyang sumadsad.
Happy birthday Blair~

Yay! Someone gave me a fansign. LOL. De joke lang, pinilit ko lang talaga siya. LMAO. Sa susunod daw mas maganda pa jan, diba? diba? :))
Sa mga ng like ng fansign request ko the other day ngayon ko lang po nagawa! Hope yah like it! PART 2 later - kakain muna ako! gandang gabi!

hoaxbywill - one of my forever IDOL!!! Pareng William!!!
Yehey! Thank you! Hehe.
HAPPY BIRTHDAY MAICA a.k.a NAGPARAYA
Syempre hindi ako magpapatalo sa mga bumati sayo, alam ko ako ang kasunod na lalaki sa puso mo after ni Mako. HAHA.
Ang babaeng mahilig mag TTH… noon. Ang babaeng kinahuhumalingan ng sambayanan at talaga namang pinagpapantasyahan, pero gaya din ng sabi ko… dati pa yun. LOL. Biro lang. Pero sa totoo lang ayaw ko talaga kapag nagTTH siya, wala lang, patagal kasi ng patagal tumataas yung respeto ko sakanya. Siya ang unang unang babe sa listahan sa puso ko dito sa Tumblr. Siya yung babaeng parati kong sinasabihan ng I love you at I miss you, sobrang sweet na tao. Sobrang importante, sobrang nipoprotektahan ko at sobrang mahal ko.
Nakilala kita noong Christmas Party Meet Up sa Blue Wave, sa una wala lang, hindi pa nga kita finofollow noon. Pinakilala ka lang sakin ni manyak na Eekol syempre yung kapatid ko na yun hindi papahuli pagdating sa babae. Inaasar asar ka lang namin nila Dale noon “Uiiiii si Nagparaya ba yan? Uiiii si Nagparayaaaaaa!” repeat 100x. LOL. Doon na nagsimula ang lahat, una hindi pa tayo masyadong close, casual lang hanggat sa birthday ni Rhadson at sa mga sumunod na meet up at tuluyan na nga lumalim samahan natin. Pero alam mo yung hindi ko makakalimutan na experience nating dalawa? Syempre yung Singapore Trip natin! Walang tatalo doon, doon talagang mas malapit tayo sa isat isa hanggang sa magkaroon ng SWAG4. Sobrang saya ko noon kasi kasama din kita, diba nga hindi tayo makapaniwala na magkasama tayo sa lugar na yun. Hindi ko na papahabain to ah? Kulang kasi yung isang buong dashboard kung papasalamatan kita at iisa isahin ko yung mga memories natin, ang mahalaga eh alam mong andito lang ako para sayo. Hindi magbabago yan Beh, ok? Hanggat andito ako walang pwedeng manakit sayo, lagi mo akong kakampi. Tsaka alam mo naman yung parating pinapangaral ko sayo lalo na pagdating sa pag ibig at sa maging career. Andito lang ako parati, hindi magbabago.
Happy birthday Beh, sobrang mahal na mahal kita. :)

HAPPY BIRTHDAY CRIS aka ISRAELMEKANIKO
Yow! Hehe. Happy birthday, ayan sabi ko naman sayo hindi ko makakalimutan. Hinihintay ko lang mag OL ka. Anyhow, si Cris isa sa mga una kong nafollow dito sa Tumblr dahil sa mga doodles nya na talaga namang napakaganda. Hindi man ako marunong gumuhit pero marunong ako magaappreciate ng arts kaya naman tuwang tuwa ako kapag nakakakita ako ng gawa ng mga nagdodoodle at isa na si Cris dun. Napagusapan namin dati na nawalan siya ng gana mag doodle, ayun unting kulit ko lang sakanya at medyo tumalab naman. Keep doodling, yan naman yung hilig mo diba. Happy birthday ulit! :)

Si Liam. Ano bang masasabi ko kay Liam? Si Liam ay isang mabait na tao. Makulit, loko-loko, magaslaw pero mabait naman. Besf Of Friends sila ni Dale. Una kong nakita ang blog niya ay kay Nico. Kaya nung nakita ko yung blog niya, finollow ko. Kasi naman, sino ga namang hindi magfofollow sa blog niya, e ang gaganda ng posts
pogipa may-ari ng blog. Hahaha.Una ko siyang nakita sa EKMeetUp. Nasa likod ko sila ni Dale. At nung nakita nila yung nametag ko. Puta, napaghampas ako ng dalawa ni Dale. Shet. Ang sakit lang. Sabi nila sa akin, iiyak na daw ako. Hahaha. Puta, hindi pwedeng hindi ako nakaganti. Sabi ni Liam, ang laki ko daw bakit ko daw siya hinahampas ng ganon. Pati nung nakapila sa EK, pumunta pa yang dalawa ni Dale mahampas lang ako.
Dami kong sinabi, basta COOL si Liam. Hope to see you soon, kupal. Hahaha~!
Kala ko talaga MALAKING HOAX lang yang talent mo sa pagdoodle at pagkanta, yun pala totoo. Hahaha. Biro lang. Ano naman next na gagawin mo at papakita samin na talento? Sayaw naman? Please? Yung mga nag Tae bo na tipo o kaya yung parang sa mga TV yung mga nag eexercise. HAHA
Thank Paolo! Sapak ka sa susunod na meet up!

hi liam. eto na po yung doodle mo. pacnxa na kung mejo nadelay ng napakahabang panahon. ngaun lang nagkatym. pagpacenxhan mo nah ang nakayanan q. =/ nga pala. thank u for giving me enough motivation para makapagdoodle ulit. ^^
UGH. Yung nakakainspire ka ng tao para ilabas yung talagang hilig niya. Keep it up Cris! Guys check niyo mga gawa nya, GALING. :)