RANDOM THOUGHTS ON BEING MAG-ISA

Ang arte lang ng title ko.

Kagabi habang nakatingin ako sa bintana at naghihintay dalawin ng antok ay naisip ko na mag-isa na lang pala talaga ako. I mean yung binubuhay ko na ang sarili ko, naisip ko na pumapasok pala ako sa trabaho hindi lang para makapagbigay ako kala Lola ng pera kundi nagpapakahirap pala ako araw-araw para may ipambayad ako sa unit na tinitirahan ko dahil kung hindi, malamang sa kalye ako pupulutin nito. Araw-araw pala ako nakikipag sapalaran para may ipambayad ako sa kuryente at tubig na kinukunsumo ko, pati na din sa internet na ginagamit ko para lang makapag Tumblr, Twitter, FB, Youtube at magbasa ng Manga. Nagpapakahirap pala ako para may makain, para mabili ko kung ano man ang gusto ko at makasurvive sa pang araw-araw na gastusin. Aminin na natin na malaking factor ang pera ngayon para masatify ang mga needs natin at ilang mga wants.

Naisip ko na mahigit isang taon na pala din akong hindi nahingi ng tulong financial sa magulang ko, siguro malaking tulong na din yung nagawa ko at kahit papaano nababayaran ko na sila sa pagpapaaral nila sakin sa nag daan na labing apat na taon. Lingid sa kaalaman ng nakararami ay lumaki akong malayo sa pamilya ko hanggang ngayong nakapagtapos at naghahanap-buhay na ako. Bakit kamo? Noong nag college ako, sa Baguio ako nag aral at ng nakahanap ako ng trabaho ay sa Cubao naman na ako tumira. Ayoko din naman kasi doon sa bahay naming sa Cavite wala doon yung Mom ko kasi nasa Taiwan siya, simula 2 years old kasi ako nakipagsapalaran na siya ng ibang bansa. Yung Dad(Step dad) ko naman since sa PAL nagtrabaho ay madalas ding wala tapos nag iisang anak din ako so bale wala lang din, kanya kanya lang talaga kami. Tanging cellphone at YM lang ang paraan na makapagusap kami.

Sobrang malaya na ako kaya wag niyong paniwalaan pag tumanggi ako sa yaya ninyong hindi ako pinayagan ng magulang ko unless my family matter talaga o kaya naman kung hindi ako payagan ay sasama pa din ako. LOL.  Hindi din naman ako  madalas magpaalam sa magulang ko kung saan ako pupunta unless big time yung lugar na pupuntahan ko, minsan pag nakauwi na ako saka ko lang masasabi kung saan ako galing. Kung pwede lang talagang hindi na lang ako magtrabaho para hindi mapagod at makauwi ng kahit anong oras ko gustuhin eh di sana ginawa ko na, pero kasi hindi ganun yung kaso. Gaya nga ng sabi ko sa taas, kung hindi ako kikilos eh walang mangyayari sa buhay ko. Gusto ko mag aral na lang kaso hindi din pwede na yun lang ang aatupagin ko kasi paano naman yung magiging baon at tuition ko doon? Alangan naman asa ko na naman sa magulang ko.

No choice ako, lahat ng desisyon ay nakasalalay sakin, lahat ng plano ako ang bubuo at magsasagawa unless tamadin ako. Iniisip ko ngayon kung responsableng tao na ba ako dahil lang dito. Ewan ko, hindi ko alam isasagot ko sa sarili kong tanong, basta alam ko kailangan ko kumilos para sa sarili ko.

  1. ilovekashilario said: Now I’m all worried of living without my mom’s support. :/
  2. jimmydasouped said: your title is so conyo. OMG. :)
  3. hoaxbywill posted this