
Mi Kuyas.
Kuya Da at Kuya Ron, yan ang tawag ko sakanila. Matagal na kami magkakilala at naging malapit sa isa’t isa. Sila ang Kuya ko dito sa Tumblr. Simula ng maging malapit kami, sila na agad ang una kong tatakbuhan kapag may problema ako at sa tuwing masaya ako. Silang dalawa yung sinasasabihan ko nang lahat ng nangyayari sakin, silang dalawa yung i-tetext ko sa tuwing wala akong magawa every weekend para samahan ako, silang dalawa yung nakakakita ng totoong tawa ko at sila din ang nakakakita sa mga bawat iyak ko. Sila kasi yung alam kong pwede kong maasahan sa mga bagay bagay, sabi nga nila diba, makinig sa matatanda. Haha. Joke lang Kuya Da at Ron.
Bakit ko ginagawa ito? Wala lang, kacharotan lang. Haha. Pero seryoso, sobrang laki na ng utang na loob ko sakanila. Sila lang nakakatyaga sa mga tantrums ko, naalala ko noong nasa Iloilo kami tatanungin pa nila ako kung ano gusto ko kainan kasi alam nilang mag sisimangot na naman ako kapag hindi nasunod ang gusto ko, kapag di ko nakuha yung nais ko. Naalala ko din yung galing ako sa break up, sila yung pumunta dito sa unit para i-comfort ako. Sila din yung nagpaparealize sakin kung ano yung tamang dapat gawin, not necessary na sasabihin nila sakin yung dapat kong gawin pero dahil sa mga experience nila na naibahagi sakin ay doon ko nakakakuha ng lesson at i-apply sa buhay ko.
Sobrang salamat Kuya Da at Kuya Ron, wala lang ginawa ko lang ‘to kasi kanina sobrang saya lang ng pakiramdam ko, puro tawanan lang pag magkakasama tayo, not unless pag nagtantrums na pala kami ni Kuya Ron… kawawang Kuya Da. Haha.
Thanks for always being there and keeping my sanity. I feel so lucky, may kaibigan na akong totoo… may dalawang Kuya pa ako na alam kong naniniwala sakin.
-Liam
ikaw ang forever 3rd wheel namin! Hahaha!
KAHIT MUKHA AKONG NA-RAPE SA PIC NA TO. MARAMING SALAMAT DIN WILLIAM :)