Huwag ako, kumplikado akong tao. Maarte, suplado, masungit, moody at snobero.
Maarte ako sa lahat ng bagay, lahat ng maisip mo maaring magdalawang isip muna ako bago ako sumang ayon sayo, pihikan kasi ako, ayaw ko ng hindi kunkreto. Suplado ako, kaya kitang hindi pansinin ng isa o dalawang araw dahil wala lang, kasi ayaw ko lang ng may kausap, ayaw ko lang ng nagpapaliwanag, ayaw ko ng nagsasalita, ayaw ko ng ibang iniisip kundi sarili ko. Kapag mag isa kasi ako nalilimitahan ko yung lungkot na nararamdaman ko, pakiramdam ko ako lang ang bida sa kwento. Masungit ako, maiinis ako sayo kasi hindi mo binili yung gusto ko, hindi mo naisip na i-text ako sa umaga, na hindi tayo nakapag simba ng sambay sa isang linggo. Moody ako, ngayon gusto ko ng spaghetti at mamaya ayaw ko na, kanina gusto ko umalis tayo pero ngayon ayaw ko na. Gusto ko akin ka lang tapos makikita ko may kausap kang iba, bahala ka, ikaw naman ang maghanap sakin, napapagod akong maging selfish sayo. Snobero ako, gusto ko kasi sayo lang attention ko. Huwag na huwag kang gagawa ng ikakawala ng interest ko sayo, ikamamatay mo. Ikaw at ako lang ang gusto ko.
Ang gulo ko diba? Lahat ng sinasabi ko nag tatalo, oh ano? Tatanggapin mo pa din ba ako? Kung oo sagot mo siguraduhin mong may baon kang mahabang pasensya at pag intindi, yung mahabang mahaba kasi sigurado ako hindi mo pa nakikita mga tantrums at issue ko sa buhay. Huwag mo akong mahalin kasi nakikita mo yung mabuting side ko, tanggapin mo ako kasi alam mo yung hindi maganda sa akin at kaya mo itong tanggapin.
Huwag ako, basta huwag ako.